CHICKEN PASTIL /SA DAHON NG SAGING
Chicken Pastil Recipe
Negosyong ulam na patok sa masa abot-kayang puhunan, siguradong ulam at paninda.
🧂 Ingredients:
- ½ kilo chicken breast or thigh (boneless)
- 1 medium onion, chopped
- 4 cloves garlic, minced
- 2 tbsp soy sauce
- 1 tbsp vinegar
- 1 tsp ground pepper
- 1 tbsp cooking oil
- 1 tsp sugar (optional)
- Cooked rice (optional: flavored with a little oil and soy sauce)
- Banana leaves or cellophane for wrapping
👨🍳 Procedure:
- Pakuluan ang chicken sa kaunting tubig hanggang malambot. Hiwain o i-shred ang karne kapag luto na. Itabi.
- Sa kawali, magpainit ng mantika. Igisa ang bawang hanggang golden brown, isunod ang sibuyas.
- Ilagay ang shredded chicken, haluin.
- Idagdag ang soy sauce, vinegar, paminta at konting asukal. Huwag haluin agad kapag may suka — hayaan muna itong kumulo ng 1 minuto.
- Pagkatapos, haluin at tikman. Pwede mong dagdagan pa ng konting toyo o asin ayon sa panlasa.
- Lutuin sa mahinang apoy hanggang sa magsimulang mag-dry at magmantika ng kaunti.
🍽️ Assembly:
- Maglatag ng saging na dahon o malinis na cellophane.
- Maglagay ng isang takal ng mainit na kanin.
- Itoppings ang lutong shredded chicken sa ibabaw ng kanin.
- Balutin at itali kung kinakailangan. Handa na para ibenta o baunin!
💡 Negosyo Tips:
- Puhunan: Approx. ₱100 for ½ kilo chicken – kaya gumawa ng ~15-20 balot.
- Presyo ng benta: ₱10–₱15 kada balot depende sa location.
- Optional: Gamitin ang rice na may konting mantika at sabaw ng chicken para mas malasa.
- Tipid tip: Gumamit ng pinagpakuluan ng manok para dagdag sabaw sa rice flavoring.
© Bernie Silvoza Recipe Collection
Comments
Post a Comment